--Ads--

3 sachet ng hinihinalang shabu nasamsam sa isang tindero sa Isabela

CAUAYAN CITY– Tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa ang isang tindero sa isinagawang drug buy bust operation ng Quirino Police Station sa barangay Luna, Quirino, Isabela

Ang dinakip ay si Reynaldo Valdez, 51 anyos, may-asawa, tindero at residente ng San Mateo, Quirino, Isabela.

Nagsanib puwersa ang mga kasapi ng Quirino Police Station at Burgos Police Station sa isinagawang drug buy bust operation sa barangay Luna, Quirino na nagresulta ng pagkakasamsam ng 3 sachet ng hinihinalang shabu sa suspek.

--Ads--

Bukod sa droga ay nasamsaman din kay Valdez ang drug buy bust money na P/1,000.00.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugst Act of 2002) laban sa suspek.