--Ads--
CAUAYAN CITY – Nananawagan ang pamilya ng Pinay OFW na tulungang makauwi ang anak dito sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Nora Gasingan ng Angadanan, Isabela nakakaawa umano ang kalagayan ng kaniyang anak sa Saudi Arabia na si Pamela Grace Gasingan dahil kahit tapos na umano ang kontrata ng kaniyang anak na dalawang taon ay ayaw umano syang pauwiin at sinasaktan pa.
Anya batay sa kaniyang napanuod na video sa social media ay sinakal ang kaniyang anak at hindi pa umano sinasahuran.
Si Pamela Grace Gasingan ay bread winner sa kaniyang pamilya at isang solo parent na may tatlong anak.
--Ads--
Kinukumpiska din umano ng amo ang cellphone at pasaporte ng anak upang hindi makauwi sa bansa.




