--Ads--
CAUAYAN CITY- Hindi pa rin matukoy ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang binata sa San Mariano, Isabela.
Ang nagpakamatay ay si Enrique Josue Jr, 22 anyos, karpintero at residente ng Zone 3, San Mariano, Isabela.
Ayon kay PO3 Johnny Mar Ba-ingan,imbestigador ng San Mariano Police Station wala umanong alam ang pamilya Josue sa dahilan ng pagpapakamatay ng binata.
Sa katanuyan ay kinuwento pa niya sa kanyang ama na plano na niyang magpakasal.
--Ads--
Natagpuaan ang binata sa likod ng kanilang bahay sa madaling araw ng kanyang ama na magtutungo sana upang magbanyo.
Laking gulat niya nang makita ang anak na nakabitin sa isang puno ng kahoy gamit ang tali ng kalabaw.
Planong ipa-autopsy ang bangkay ng binata.




