--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng City Of Ilagan Police Station ang isang lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act 9175 (Chainsaw Act of 2002).

Ang dinakip ay si Marcial Mateo, 34 anyos, may-asawa at residente ng Ilagan City.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Andrew Barcena ng Regional Trial Court Branch 17.

Si Mateo ay nasa pangangalaga ng PNP Ilagan City para sa kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.

--Ads--

Kailangang maglagak ng P/40,000.00 ang akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan.