--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahang darating si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa lalawigan ng Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, pangunahing layunin ng pagtungo ng Pangulo sa Isabela ay upang dumalaw sa burol ni P/Chief Inspector Michael Angelo Tubania, hepe ng Mallig Police Station.

Magugunitang si Chief Inspector Tubania ay namatay sa isang drug bu bust operation sa nasabing bayan.

Kaagad namang nadakip ang mga suspek sa pagpaslang sa hepe na nakilalang sina Warren Bulawit, 19 anyos at isang 17 anyos na kapwa residente ng Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

--Ads--

Bukod sa pagdalaw ng Pangulo sa Burol ni Chief Inspector Tubania ay inaasahang pupulungin din nito ang mga matatas na pinuno ng pulisya sa lalawigan ng Isabela

Nauna nang dinalaw ni PNP Chief Oscar Albayalde ang burol ng namatay na hepe ng pulisya na pinagkalooban ng posthomous promotion mula sa Sr. Inspector ay itinaas ang ranggo sa Chief Inspector.