--Ads--

5 months old baby, nailigtas ng mga pulis mula sa pananakit  ng  lasing at may mental disorder na ina

CAUAYAN CITY – Nailigtas ng mga kasapi ng Echague Police Station ang isang tatlong buwang sanggol na biktima ng pagmamaltrato ng kanyang ina.

Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan inihayag nI P/ Chief Inspector Andy Orilla ng Echague Police Station na mayroong concerned citizen ang nagbigay impormasyon na may isang ina na lasing na nagwawala at balak saktan ang anak na tatlong buwang sanggol na kaagad nilang tinugunan.

Nakita anya ng mga pulis na muntik saktan ng isang misis na tatlumpong taong gulang ang kanyang sanggol kaya’t agad nilang nailigtas.

--Ads--

Nakitaan ng mga pulis na bukod sa lasing ay mayroon kaunting mental disorder ang babae.

Nagtatrabaho ang mister ng babae at nang malaman ay kinuha nito ang bata.

Pinaalalahanan ng mga pulis ang mister ng babae ukol sa kanyang misis at nakipag-ugnayan na rin sila sa DSWD.