--Ads--

CAUAYAN CITY – Matapos pumasok sa final 16 round ang koponan ng Portugal ay makakalaban nito ang koponan ng Uruguay sa nagpapatuloy na 2018 FIFA World Cup.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Dmitry Doroshenco, isang Russian football player at residente ng Moscow Russia na naniniwala siyang mananaig at mananalo ang koponan ng Uruguay kontra Portugal .

Anya mas malakas ang Uruguay dahil sa ipinakitang performance sa kanilang laban kontra Russia.

Magaling anya ang dalawang strikers ng Uruguay at handang-handa sila sa susunod nilang laban.

--Ads--

Dahil dito naniniwala siyang masisira ng Uruguay ang depensa ng Portugal.