--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 200 board feet ng nilagareng kahoy ang nasamsam sa anti- illegal logging operation sa Dalenat, San Pablo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, nagsagawa ng anti-illegal logging operation ang pinagsanib na puwersa ng San Pablo Police Station at DENR CENRO Cabagan sa Dalenat, San Pablo, Isabela.

Nasamsam nila ang 16 na pirasong nilagareng kahoy.

Pito sa nasabing bilang ay acacia samantalang 9 ang common hardwood na may kabuoang volume na 228 board feet.

--Ads--

Agad na dinala sa san Pablo Police Station ang mga nasamsam na kahoy para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa DENR Cabagan.

Inaalam pa ng mga alagad ng batas kung sino ang nag-abandona sa mga nilagareng kahoy.