--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinikayat ni Regional Director Nashrudin Talipasan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board Region 2 ang mga commuter na huwag tangkilikin ang mga bumibiyaheng kolorum na pampasaherong van, bus at jeep.

Sa panayam ng Bombo Rady Cauayan kay G. Talipasan, binigyang-diin niya na walang makukuhang benepisyo ang mga pasaherong sumasakay sa mga kolorum kung sila ay masangkot sa aksidente sa lansangan.

Dapat aniyang makipagtulungan sa LTFRB ang mga drivers, operators, at mga pasahero upang masugpo ang mga kolorum na sasakyan.

Samantala nagpapasalamat siya kay Pangulo Rodrigo Duterte sa mas pinagigting na kampanya laban sa mga kolorum na sasakyan.

--Ads--