--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng tatlong kaso ang isang sundalo sa isinagawang entrapment operation kagabi sa isang mall sa Ilagan City dahil sa pagblackmail sa dalawang babae na dati at kasalukuyang girlfriend.

Ang inaresto ay si Rene Cantomayor, 30 anyos, binata at tubong San Mateo, Aleosan, Cotabato at nakatalaga sa 5th Infantry Division Philippine Army sa Gamu, Isabela

Humingi ng tulong sa pulisya ang dalawang babae matapos silang pagbantaan ng suspek na ipapakalat niya ang kanilang nude photos at sex video kapag hindi sila nakipagkita sa kanya.

Ang mga kasong isasampa laban kay PFC Cantomayor ay grave coercon, paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-violence against women and their children) at Republi Act 9995 ( Anti-photo and Voyeurism Act of 2009).

--Ads--

Sa Naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Inspector Orlan Capili, imbestigador ng pulisya sa lunsod ng ilagan dumulog sa kanilang himpilan ang dalawang dalaga na magkaibigan.

Sinabi ni Inspector Capili na nang maaresto si Cantomayor at kinuha nila ang kanyang cellphone ay nakita dito ang ilang videos at nude photo ng dalawang babae.

Sinabi naman ni PFC Cantomayor na gustong niyang makausap ang dating nobya na si Ria dahil tinawagan siya ng isang lalaki gamit ang celphone nito at nagbanta na siya ay papatayin.

Gusto naman niyang makita ang kanyang kasalukuyang nobya na si Mia para sila ay magkausap bago siya aalis dahil nagpadestino na siya sa Mindanao bunsod ng hindi nila pagkakaunawan.