--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng San Mariano Police Station sa pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka sa barangay Dibuluan.

Ang biktima ay si Romeo Ugalde, 39 anyos, may-asawa at residente ng nasabing barangay.

Nagtungo sa San Mariano Police Station ang maybahay ng biktima upang iulat ang pagkakatagpo niya sa kanyang mister sa loob ng kanilang bahay na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo dahil sa tama ng bala ng baril.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Inspector Rey Tad-o, hepe ng San Mariano Police Station na inaalam na nila ang person of interest sa pagbaril patay sa magsasaka.

--Ads--

Nag-iisa lamang anya ang biktima sa kanilang bahay dahil iniwanan siya ng misis makaraang idemanda sa paglabag sa Republic Act 7610 o violence againts women and their Children ang mister.