--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng malalang sugat ang isang magsasaka na umawat sa kaguluhan sa isang lamay sa Brgy. Abot, Quezon, Isabela

Ang biktima ay si Eduardo Peru, Sr. 52 anyos,may-asawa habang ang suspek ay si Adriano Gonzalez, kapwa mga residente ng Brgy. Abot, Quezon, Isabela.

Nagtungo ang dalawa sa isang lamay sa kanilang barangay at habang nasa lamayan ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Gonzales at grupo ng mga kalalakihang nagsusugal.

Inawat ni Peru si Gonzales subalit sa halip na magpa-awat ay bumunot ng patalim saka sinaksak ang biktima.

--Ads--

Agad dinala sa pagamutan sa bayan ng Quezon,Isabela ang biktima ngunit inilipat sa Tuguegarao City dahil sa malubhang tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng tiyan.