--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng Overseas Filipino Worker (OFW) na namatay sa bansang Lebanon matapos na dumating sa bansa at nakaburol na sa kanilang bahay sa San Mateo, Isabela.

Nais malaman ni G.Christopher Cristobal ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng kanyang misis na si Alma na unang iniulat na nahulog mula sa gusaling tinitirhan ng kanyang amo sa Lebanon.

Bago ang libing ng biktima sa July 11, 2018 isasailalim ito sa awtopsiya.

Wala pang isang taon na nagtatrabaho sa Lebanon si Gng. Alma Cristobal.

--Ads--

Ang mag-asawa ay may tatlong anak at ang bunso ay dalawang taong gulang pa lamang.

Sinabi ni Ginoong Cristobal na umalalay sa kanila ang Provincial Gov’t. ng Isabela upang maiuwi ang bangkay ng asawa sa kanilang bayan.

May nagtungo na rin sa kanilang tahanan na kinatawan ng OWWA Region 02.