--Ads--

CAUAYAN CITY– Patuloy ang paghahanap ng mga pulis sa person of interest sa pagbaril at pagpatay sa guwardiya na si Edwin Cadiz ng barangay Baculod, Cauayan City.

Unang sinabi ni P/Sr. Supt. Narcico Paragas, hepe ng Cauayan City Police Station na may natukoy na silang person of interest sa pagpatay kay Cadiz.

Ito ay batay sa footage na kuha ng CCTV sa pinangyarihan ng krimen.

Paghihiganti dahil sa isinampang kaso laban sa kanya ang isa sa mga anggulong tinitingnan sa pagsisiyasat ng pulisya sa pagpatay kay Cadiz.

--Ads--

Samantala, sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PO3 Antonio Pagaddu Jr. ng Cauayan City Crime Laboratory, nagtamo si Cadiz ng 4 na tama ng bala ng Cal. 45 at Ipinasakamay sa pulisya ang cellphone ng biktima para mapag-aralan ang mga huling komunikasyon.