--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling ng chancellor ng Diocese of Ilagan ang tulong ng National Bureau of Investigation o NBI para matukoy ang netizen na nag-upload sa social media ng kanyang video habang pinapaalis ang mga nagtitinda sa loob ng compound ng Shrine of Our Lady of Visitacion sa Gamu, Isabela.

Pinaratangan ng nagpost ng video si Fr. Greg Uanan, rector ng shrine na nagmura at nanakit ng nagtitinda.

Sa kanyang post sa kanyang Facebook account, sinabi ni Fr. Uanan na kakasuhan niya ang nagpost ng nagviral na video kapag natukoy ito ng NBI dahil binura na niya ang kanyang post at nagbago na ng account name.

Binigyang-diin niya na nagkaroon na ng damage kahit binura na ang video.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, nilinaw ni Fr. Uanan na ang nakita sa video na tinadyakan niya ay hindi tao kundi mga panindang pamaypay na nakaharang sa driveway na daanan ng mga pari na magmimisa.

Inamin niya na nagagalit siya sa video sapagkat nagrereklamo ang mga nagsisimba dahil makulit ang mga vendor. Sinusundan nila ang mga nagsisimba at ipinipilit ang kanilang mga paninda hanggang sa pagpasok nila sa simbahan.