--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Jones Police Station ang dating Punong-barangay dahil sa kasong homicide.

Ang suspek ay si Nilo Maltezo, 55 anyos, may-asawa at residente ng Villa Bello, Jones, Isabela.

Isinilbi ng Jones Police Station ang warrant o arrest ipinalabas Judge Bonifacio Ong ng Regional Trial Court Branch 24 Echague laban sa suspek.

Kaagad sumuko ang suspek sa mga pulisya at dinala sa kanilang himpilan para sa kaukulang dokumentasyon.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Jones Police Station, nag-ugat ang kaso ng suspek sa umanoy pagpatay sa lalaking kanyang kabarangay.

Nagpiyansa ng P100,000.00 ang suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.