--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang drug pusher matapos mabaril ng mga pulis sa isinagawang drug buy bust operation sa Echague, Isabela.

Ang napatay ay si Orlando Da Jose, residente ng Batal, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office o IPPO, nagsagawa ng Anti-Illegal Drug Buy Bust Operation ang pinagsanib na puwersa ng Echague Police Station, Provincial Intelligence branch ng IPPO, Regional Intelligence Unit 2, at PDEA.

Nakatunog si Da Jose na isang pulis ang kanyang katransaksiyon kaya agad niyang pinaputukan ng baril ang pulis ngunit hindi tinamaan.

--Ads--

Gumanti ng putok ang pulis at ang kanyang back-up at tinamaan sa katawan ang drug personality.

Isinugod sa ospital ng Echague Rescue Team si Da Jose ngunit idineklarang dead on arrival.