--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumatak kay Ambassador of Republic of Korea to the Phils. Han Dong-Man ang mangga ng Isabela sa kanyang pagdalaw sa lalawigan.

Hindi naiwasan ng korean Ambassador na pag-kumparahin ang mangga ng Guimaras sa mangga ng Isabela at tahasan niyang sinabi na mas nagustuhan nito ang mangga sa Isabela.

Maliban sa mangga ay nagustuhan din niya ang iba pang pagkain ng mga pinoy tulad ng Sinigang, Bulalo, Kare-kare at halu-halo.

Si Ambassador of Republic of Korea to the Phils. Han Dong-Man ay nagtungo sa Isabela upang pangunahan ang Ceremonial Inauguration ng Pasa small reservior Irrigation project sa Ilagan City na pinondohan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) grant.

--Ads--

Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag naman ni City Agriculturist Moises Alamo ng Ilagan City na patunay lamang na mataba ang lupa sa Isabela at kanya ring pinatotohanan na matamis ang mangga sa Isabela kumpara sa mga kalapit rehiyon na kanyang napuntahan.

Patunay anya dito na nagustuhan ng Korean ambassador ang nakain nitong mangga sa Isabela.