--Ads--

CAUAYAN CITY- Gumagawa na ng hakbang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Ilagan City para makaiwas ang mga persons deprived of liberty (DPL) sa sakit dulot ng mga pag-ulan.

Pangunahing iniiwasan sa loob ng piitan ang mga airborne diseases dahil mabilis ang pagkalat nito lalo na kung napabayaan.

Sa panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni JO1 Lou Anne Agustin, ang pagbibigay ng kaalaman sa mga PDL ang nakikita nilang paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.

Sa ngayon ay sipon at trangkaso ang pangunahing sakit na nararanasan ng mga PDL sa BJMP Ilagan City.

--Ads--

Agad nila itong ginagamot para hindi kumalat.

Mahalaga na manatili silang malusog dahil walang sapat na pasilidad na pagdadalhan kung sabay-sabay silang magkasakit o kaya ay malalang sakit ang dadapo sa mga PDL.

Binigyang diin ni JO1 agustin na kung malinis ang kapaligiran ay maiiwasan ang sakit tulad ng dengue at iba pang sakit na dulot ng maruming paligid.