--Ads--

CAUAYAN CITY- Kasabay ng pagdiriwang ng Nutrition Month, nagsagawa ang Cauayan City Nutrition Office ng orientation sa mga barangay nutrition action officer o midwife.

Kabilang sa mga itinuro sa kanila ang mga dapat gawin kaugnay sa tema ng pagdiriwang ng nutrition month na ‘ugaliing magtanim sapat na nutrition aanihin’.

Bukod sa mga paligsahan sa nutrition month ay pangunahing binigyang diin sa naturang pagpupulong ang pagkakaroon ng communal garden ng mga barangay.

Inihayag ni Cauayan City Nutrition Officer Mary Jane Yadao, dapat na magkaroon ng iba’t ibang uri ng pananim sa bawat communal garden.

--Ads--

Itinuro sa mga barangay nutrition action officer ang mga sustainable na paraan ng pagtatanim na organic farming.

Ayon kay Yadao, isang paraan ng organic farming ang paggamit ng mga vermi compost, organikong pertisidyo at paggamit ng mga legiums o mga beans upang mapataas ang nitrogen ng lupa.

Anya, ang mga communal garden ay dapat malapit sa mga kabahayan at may sukat na isang daang metro kwadrado.

Samantala, una nang napaulat na kabilang sa mga kompetisyon na gagawin sa katapusan ng Hulyo ang ang kompetisyon para sa mga buntis, jingle competition, poster making, slogan contest, zumba contest, “pinaka” mahaba, malaki, at naiibang gulay, prutas at root crops mula sa iba’t ibang barangay at cooking competion kung saan itatampok naman ang iba’t ibang luto o putahe ng labong.