--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkakahalaga ng isandaan at dalawampu’t limang libong piso ang mga ninakaw na mga panabong na mahok sa Barangay Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Arthur Jacob ng Barangay Bagong Sikat, nawala sa kanilang farm ang labing limang panabong na manok at hindi mabatid kung sino ang nagnakaw ng mga ito.

Pinaniniwalaang ninakaw ang mga panabong manok noong ikalima ng Hulyo.

--Ads--

Patuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng PNP San Mateo sa naganap na pagnanakaw ng mga panabong na manok.