--Ads--

CAUAYAN CITY– Nahaharap sa kasong double attempted murder ang isang karpintero matapos tangkain umanong patayin ang kanyang mga pinsan sa San Mariano, Isabela.

Ang suepek ay si Alejandro Batingan, 39 anyos habang ang mga biktima ay ang magkapatid na sina Mervin Talaue, 25 anyos at Rody Talaue, 16 anyos, pawang residente ng Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Inspector Gary Macadangdang, Deputy Chief ng San Mariano Police Station na nagkaroon umano ng alitan sa pagitan ng magkapatid na Talaue at pinsang si Gatingan habang nag-iinuman subalit nagka-ayos sila sa barangay.

Ang akala ng magkapatid na Talaue ay naayos na ang kanilang away subalit nang malasing ang suspek ay nagtungo sa bahay ng mga biktima at pinaputukan ng maraming beses ang kanilang mga bahay gamit ang Cal. 45 baril.

--Ads--

Mapalad ang mga biktima na hindi natamaan ng bala ng baril.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na wala namang malalim na alitan ang mga magpipinsan na nauwi sa tangkang pagpatay.