--Ads--

CAUAYAN CITY – Humihiling na ang mga kooperatiba ng mga tsuper at operator ng jeepney ng dagdag pasahe sa mga jeep dito sa Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Rolando Sayago, Vice Chairman at tagapagsalita ng Cauayan City Transport Service Cooperative na naglalaro sa piso hanggang dalawang piso ang kanilang hiling na dagdag na pasahe sa Jeep.

Gayunman, nakadepende na umano kung magkano ang aaprubahan ng Land Transportation Franchising Rregulatory Board (LTFRB).

Paliwanag ni Sayago, bukod sa mataas na presyo ng deisel ay nagtaasan na rin ang presyo ng mga pang maintenance ng kanilang sasakyan kung kayat humihiling sila ng pagtaas ng pasahe.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nasa Php 8.00 ang minimum na pasahe sa mga Jeep.

Una nang sinabi ni Regional Director Nasrudin Talipasan ng LTFRB Region 2 na bagamat may mga humihiling ng dagdag pamasahe sa Rehiyon na mga transport association ay wala naman umanong pormal na sulat na ipinapasa sa kanyang tanggapan.

Dahil dito ay napag-usapan sa pulong ng Cauayan City Transport Service Cooperative noong sabado ang pabuo ng kanilang petisyon.