--Ads--

CAUAYAN CITY – Mas lalo pang hinigpitan ang ipinapatupad na seguridad sa bansang Russia habang papalapit ang final round ng FIFA World Cup 2018.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jasmine Dayag, tubong Peniablanca, Cagayan at OFW mula sa Moscow Russia kanyang sinabi na triple ang idinagdag na security personnel sa mga lansangan na makikita sa bawat kanto ng daan maliban pa sa mga estasyon ng tren at subway na nagbabantay ng magdamag kumpara noong unang araw ng torneo.

Ikinumpara din nito ang ipinapatupad na seguridad sa bansang Pilipinas tuwing may mga international event kung saan mas mahigpit umano ang bansang Russia.

Ayon pa kay Dayag maliban sa mga malalaking gamit na isinasailalim sa X-ray machines ay maging sa mga katawan ng tao ay hindi pinapalampas na i-xray matapos kapkapan.
VC DAYAG

--Ads--

Samantala, matunuog naman sa bansang Russia ang koponan ng France at England na inaasahang maghaharap sa Final Round ng FIFA World Cup.

Ang semi-final ng laro ay mag-uumpisa na bukas ng madaling araw oras sa pilipinas kung saan maghaharap ang dalawang power house team ng France at Belgium habang sa araw ng huwebes ng madaling araw ay ang Croatia at England.