--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 75 indibidwal ang nadakip ng mga kasapi ng pulisya dahil sa paglabag sa mga local ordinance sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt Joseph Dela Cruz, Public Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ( NVPPO), sa inilabas na datos sa monthly oversignt committee umabot sa kabuoang 75 indibidwal ang nahuling lumabag sa local ordinance mula Hunyo hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ni Superintendent Dela Cruz na karamihan sa mga nahuli ay mga menor de edad na lumabag sa curfew hour maliban sa ibang paglabag sa pagbabawal sa pag-inom ng alak at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at away sa lansangan.

Dinadala naman kaagad sa Barangay ang mga nahuhuling menor de edad at pinagmulta habang ang hindi nagmulta ay pinatawan ng community service.

--Ads--

Nilinaw ng opisyal na hakbang ng pulisya na panghuhuli sa mga taong nasa lansangan na lumalabag sa ordinansa ay nagbibigay daan para sa pagbaba nang krimen sa Nueva Vizcaya.

Ang pahayag ni P/Supt Joseph Dela Cruz, Public Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan.