--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasampahan na ng kasong paglabag sa presidential decree 1602 ( Anti-Illegal Gambling Law) ang apat na tao kabilang ang dalawang senior citizen na naaktuhang naglalaro ng tong-it sa Santiago City.

Ang mga nadakip ay mga edad na 69, 68, 58 at 48 anyos na pawang residente ng Brgy. Rizal, Santiago City at may mga asawa na.

Sila’y nadakip ng pinagsanib na puwersa ng City Mobile Group Company 3rd Platoon at Station 1 ng Santiago City Police Office.

Nasamsam sa kanila ang isang set ng baraha at bet money.

--Ads--