--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng mga pasa sa mukha ang tatlong biktima ng pambubogbog na dinala sa Cauayan District Hospital.

Ang mga biktima ay sina Jerson De Vera, 33 anyos, residente ng Calasiao, Pangasinan; Jhon Rey Orsinio, 20 anyos, walang asawa at Lester Cruz, 31 anyos, kapwa residente ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Ang suspek ay si Eduard Tajeda, residente ng Luna, Isabela at dalawang iba pa.

Nangyari ang pambubogbog sa isang Trucking Business sa San Fermin , Cauayan City.

--Ads--

Pinaghahanap na ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang mga suspek.