--Ads--

CAUAYAN CITY – Paghihiganti ang tinitingnang anggulo ng San Pablo Police Station sa nangyaring pamamaril sa bayan ng Sta. Maria, Isabela.

Inihayag ni P/Chief Insp. Jojo Turingan, ang hepe ng PNP San Pablo sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan na matagal na nilang sinusubaybayan ang mga suspek dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang magka-kamag-anak sa pamamaril sa harapan ng sabungan sa bayan ng Santa Maria, Isabela.

Naniniwala si Chief Insp. Turingan na maaring gantihan ang ugat ng pamamaril na ikinasugat ng biktimang si Edwin Macapallag habang nabaril naman ng mga tumugong pulis ng PNP Sta. Maria ang isa sa mga suspek na si Bryan Soriano, 25 anyos habang patuloy na pinaghahanap ang isa pang suspek na si Benjie Soriano, 25 anyos na pawang residente ng Brgy. Binalanga Norte, San Pablo, Isabela.

Aniya, nagkaroon ng kaguluhan noong nakaraang linggo sa pagitan ng tiyuhin ng mga pinaghihinalaan at ang biktima.

--Ads--

Nag-ugat umano ang alitan ng magkabilang panig nang mapaslang ang tatay ng mga suspek.