--Ads--

CAUAYAN CITY- May kaugnayan sa negosyo ang pangunahing anggulo na sinisiyasat ng Bayombong Police Station sa pagbaril at pagpatay sa isang businesswoman sa loob mismo ng kanyang resto grill bolaluhan sa Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay ang negos­yanteng si Irene Tanggat, 44 anyos, tubong Camp 7, Baguio City at pansamantalang nakatira sa Del Pilar Street, District IV, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P/Chief Inspector Joberman Vides, hepe ng Bayombong Police Station na binabantayan ni Tanggat ang kanyang bahay kainan nang lapitan siya ng isa sa dalawang sakay ng motorsiklo at binaril ng tatlonmg beses.

Nagtamo siya ng tatlong ng tama ng bala, dalawa sa kanyang dibdib at isa sa kanyang paa.

--Ads--

Patuloy ang pangangalap ng mga pulis ng impormasyon tulad ng CCTV footage sa lugar para matukoy ang salarin.

Ang biktima ay mayroon din umanong pautang sa Baguio City at Pangasinan.