--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsimula ngayong araw ang tatlong araw na Nueva Vizcaya Police Provincial Director’s Cup kung saan inanyayahan ang mga Gun Club sa buong region 2 at mga karatig lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt. Joseph Dela Cruz, Public Inofrmation Officer ng Nueva Vizacaya Police Provincial Office nauna nilang hinikayat ang lahat ng mga handgun enthusiast na dumalo sa naturang aktibidad.

Anya humigit kumulang 100 pulis sa Nueva Vizcaya ang lumahok sa kumpetisyon habang magkakaroon ng palaro para sa mga sibilyan.

Kabilang sa mga dumadalo ay mula sa iba’t-ibang gun clubs mula Tuguegarao City, Isabela, Quirino, Tarlac, Baguio City at maging ilang lugar sa region 3.

--Ads--

Anya ang Php 500.00 na registration fee para sa mga uniformed personnel at Php 1,200.00 naman para sa mga Sibilyan ay naglalayong makatulong sa mga kapulisan ng Nueva Vizcaya.

Magtatagal ang “shoot for a cause” hanggang sa linggo, July 15, 2018 na ginaganap sa Brgy. Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya.