--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasampa ng kaso ang mga magulang ng 13 anyos na umanoy biktima ng panggagahasa laban sa suspek

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nagtungo ang biktima at kanyang mga magulang sa San Mateo Police Station para sa pagsasampa ng kaso.

Nauna nang naiulat sa Bombo Radyo Cauayan pinainom umano ng tinatayang 50 anyos na pinaghihinalaan na kakilala ng kanyang magulang ang biktima

Matapos painumin ang biktima ay nawalan umano ng malay kung saan dinala siya ng suspek sa irrigation canal at doon ginahasa.

--Ads--

Pinalo umano ng suspek ang ulo ng biktima ngunit dinala rin sa pagamutan bago tumakas.

Positibong nagahasa ang biktima batay sa resulta ng kanyang medical examination.

Tinutugis na ng mga pulis ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong rape.