--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit na binantayan ng mga kasapi ng pulisya at mga sundalo ang lalawigan ng Kalinga kung saan pinangangambahan ang pagsiklab tribal war dahil sa pagpatay sa dalawang magkapatid.

Magugunitang noong July 1, 2018 ay binaril patay ang magkapatid na sina Basingan at Belac Dallapas ng Lubo tribe.

Ang mga suspek na sina Basillio Tayyab at Lagasi Bocad lider ng Tulgao Tribe ay nadakip ng mga otoridad matapos ang krimen.

--Ads--

Nag-ugat ang krimen makaraang magkaroon ng alitan ang mga suspek at mga biktima sa isang bahay inuman sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga .

Inihayag ni Atty. Gelacio Bongat, Asst. Dierector ng NBI region 2 at tubong kalinga, siya ay tumutulong para magkaroon ng kapayapaan sa Kalinga at upang maiwasang sumiklab ang tribal war sa pagitan ng dalawang tribu sa nasabing lalawigan

Ayon kay NBI Asst. Director Bongat, dahil sa insidente ay nagdulot ito ng pangamba sa mga estudyante mula Kalinga na nag-aaral sa Baguio City, Tuguegarao City at Isabela na nagsipag-uwian sa takot na madamay sila sa pagsiklab ng tribal war.

Inihayag pa ni Asst. Director Bongat na todo bantay ngayon ang mga pulis at sundalo sa lalawigan ng Kalinga upang maiwasan ang pagganti ng tribu ng mga biktima sa tribu naman ng mga suspek.