--Ads--

CAUAYAN CITY – Ginawaran ng Medalya ng Kagalingan ng Police Regional Office Number 2 ang Santa Fe Police Station dahil sa kanilang accomplishment.

Ito ay mtapos mahuli ang isang top 2 most wanted person Municipal level sa kasong panggagahasa sa Brgy. Pingkian, Kayapa, Nueva Vizcaya.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Inspector Ariel Gabuya, ang outgoing Chief of Police ng PNP Santa Fe sinabi niya na ang natanggap na parangal ay isang patunay na ginagampanan nila ang kanilang tungkulin.

Dahil dito nagpapasalamat sya sa pakikipagtulungan at suporta ng pamahalaan ng Santa Fe, mamamayan at iba pang mga ahensya.

Samantala, hindi naman na bago para kay Senior Inspector Ariel Gabuya ang bayan ng Kayapa dahil dalawang taon umano siyang kasamang nagsagawa ng police community relation program.

Magsisilbi siya sa bayan ng Kayapa bilang Deputy Chief of Police at papalitan naman ng dating Chief of Police na si P/Senior Inspector Julian Mejia.