--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang  isang  mag aaral habang sugatan ang apat nitong kaibigan matapos tumaob ang sinasakyan nilang mitsubishi strada sa pakurbadang daan sa Brgy Bonfal,Bayombong,Nueva Vizcaya.

Kinilala ni P/Chief Inspector Joberman Videz hepe ng Bayombong Police station ang namatay na si Teo Razonable,20 anyos, estudyante at residente ng La torre South,Bayombong,Nueva Vizcaya driver ng sasakyan habang ang mga sugatan ay sina Jover Martinez, Wenzel Galamay, Joshua Luglug at Migz Litanjua, pawang estudyante.

Sa initial na pagsisiyasat ng Bayombong Police Station na ang mga biktima ay papauwi na ng maganap ang aksidente.

Ayon Kay Chief Inspector Videz mayroon umanong nakakita na mabilis ang takbo na sasakyan mga biktima at nawalan kontrol sa pakurbadang daan na nagresulta upang sumalpok sa kongkretong pader ng bahay at sa lakas ng pagkabangga ay tumaob pa ito.

--Ads--

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima subalit binawian ng buhay ang tsuper nito na si Razonable habang nasa maayos naman kalagayan ang apat nitong mga kaibigan.

Hinala ng pulisya na naidlip si Razonable na dahilan ng kanilang pagkaka-aksidente.