--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpositibo sa illegal na droga ang isang pulis sa isinagawang internal cleansing ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni P/Senior Supt Mariano Rodriguez, Provincial Director ng IPPO na patunay umano na hindi itinatago ng PNP ang mga pulis na lumalabag sa ipinatutupad na batas.

Sinabi ni Senior Supt Rodriguez na kahit may isang pulis na nagpositibo sa drug test ay kailangan parin nilang higpitan ang kanilang internal cleansing.
Isinasagawa ang internal cleansing sa pamamagitan ng police information continuing education, suprise visit sa iba’t-ibang pulisya at surprise drug test upang matiyak na walang mga lumalabag sa batas.

Samantala, hindi naman pinangalanan pa ang nasabing pulis na nagpositibo sa drug test at ngayon ay nasa Regional Headquarter na para sa summary dismissal counselling.

--Ads--

Nasa ilalim naman ng beripikasyon at imbestigasyon ang iba pang mga pulis o opisyal na inaabuso umano ang kanilang posisyon.