CAUAYAN CITY – Usap-usapan ngayon sa Social Media ang umanoy pagtatampo ng ilang Filipino netizens matapos ang final round ng FIFA World Cup 2018 sa Moscow Russia.
Batay sa komento ng isang netizen mula sa Iloilo na si Tim, sa litrato ni Alphonse Areola habang hawak ang Golden Trophy ng FIFA World Cup 2018 na sa kabila ng kanilang pagkakapanalo ay nadismaya umano ang ilang pinoy football fans dahil hindi umano niya iwinagayway ang bandila ng Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Tim na wala umano siyang masamang balak sa pagbibigay ng komento dahil ipinaparating lamang umano niya ang hinaing ng kapwa niya Filipino fans.
Aniya, bagamat naiintindihan niya na sa bansang France ipinanganak at lumaki si Alphonse ay malaking tulong umano sana sa pilipinas kung nagwagayway siya ng bandila ng pilipinas upang magkaroon ng inspirasyon ang mga Filipinong nais maglaro ng football.
Dahil sa naturang komento ni Tim ay maraming netizens ang nagkomento kung kinakailangan pa bang magwagay-way ng Philippine Falag si Areola.
Samantala sa naging statement ni G. Ramon Areola, tiyuhin ni Alphonse Areola na palaging ipinagmamalaki ng kanyang pamangkin na dugong pinoy siya at umapela na lamang na tulungan si Alphonse sa pamamagitan ng pagbati at huwag bigyan ng negatibo ang kanyang pagkukulang.