--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ang Commission on Human Rights ( CHR ) region 2 ng pagsusuri sa custodial facility ng Reina Mercedes Police Station sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Sr. Inspector Mario Desipulo, hepe ng Reina Mercedes Police Station na ang inspection ay isinagawa ni G. Antonio Cruz, special investigator 3 ng CHR region 2.

naging maganda aniya ang resulta ng pagsusuri sa kanilang custodial facility pangunahin ang seguridad ng mga ikinukulong sa lock up cell.

Nais matiyak ng CHR ang seguridad ng lock up cell dahil kahit nakakulong ang isang individual ay dapat pa ring matiyak ang paggalang sa kanyang karapatan at kaligtasan.

--Ads--