--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasamsaman ng iligal na droga ang isang tricycle driver matapos ireklamo ng kinakasama dahil sa pananakit.

Ang suspek ay si Jerry Cariaga,36 anyos at naninirahan sa Delfin Albano, isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office o IPPO nagtungo umano ang sugatang biktima sa Delfin Albano Police Station kasama ang ilang opisyal ng barangay upang ireklamo ang pananakit sa kanya ni Cariaga.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya at natagpuan ang suspek sa Barangay Balug, Tumauini Isabela.

--Ads--

Siya ay idinala sa himpilan ng pulisya at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang isang stick ng nirolyong papel na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at dalawa pang sachet ng marijuana.

Kakasuhan si Cariaga ng paglabag sa Republic Act 9262 (Anti violence against women and their children) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002).