--Ads--

CAUAYAN CITY- Bunga ng malalimang pagsisiyasat ng Echague Police Station at ang pakikipagtulungan ng mga kamag-anak at kaibigan ang pagkakatukoy na ng suspek sa pagbaril at pagpatay noong gabi ng Miyerkoles sa isang tindero na si Dexter Andaya, 36 anyos, residente ng Tuguegarao, Echague.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni P/chief Inspector Andy Orilla, hepe ng Echague Police Station na maganda ang resulta ng pakikipagtulungan ng mga kamag-anak ni Andaya para matukoy ang suspek na sasampahan na nila ng kaso sa piskalya.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga pulis na sa personal ang motibo sa pagpatay sa biktima

Hindi pa binanggit ang pangalan ng suspek para hindi maapektuhan ang kanilang pagsisiyasat.

--Ads--

Ang suspek na siya rin umano ang bumaril sa biktima ay una nang isinumbong sa pulisya ni Andaya kaya nagkaroon ng gabay ang mga tagasiyasat ng echague police station.