--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang lalaki ang binugbog ng ilang suspek matapos mag-ingay sa palaruan ng dropball sa kanilang plaza sa San Mateo, Isabela.

Ang mga biktima ay sina Christian Rafael at Kenard Pascual, kapwa residente ng Malasin, San Mateo, Isabela.

Nagtungo ang dalawa sa plaza sa kabayanan ng San Mateo, Isabela nang mapadako sila sa mga naglalaro ng dropball.

Dahil nakainom ng alak ay maingay ang mga biktima kaya’t nainis ang ilang kalalakihan at binugbog nila sina Rafael at Pascual.

--Ads--

Ang dalawa ay isinugod sa Integrated Hospital ngunit matapos na malapatan ng lunas ang kanilang mga tinamong sugat ay nakalabas din sa pagamutan.