--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang truck driver ang panibagong nadakip sa isinagawang drug buy bust operation ng mga alagad ng batas sa Brgy. Sinili, Aurora, Isabela.

Ang nadakip ay si Michael Segundo, 38 anyos ,may-asawa at residente ng San Andres, Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon sa Isabela Police Provincial Office, nagsagawa ng drug buy bust operation ang pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 2, IPPO Drug Enforcement Unit at Aurora Police Office Drug Enforcement Unit.

Matagumpay na nakabili ng illegal na droga ang umaktong poseur/buyer
kay Michael Segundo.

--Ads--

Nasamsam sa kanya ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at karagdagan pang sachet ng shabu na nakalagay sa kanyang bulsa..

Nasamsam din ang limang daang pisong marked money at Cellphone na ginamit sa transaksiyon.

Nahaharap si Segundo sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002).