--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ang dalawang newly identified drug personalities sa magkahiwalay na drug buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit, Regional Special Operation Group, PDEA-Region 2 at Station 2 sa Santiago City.

Ang mga nadakip ay sina Jocel Alota, 38 anyos, residente ng Naggasican at Joefrey Butchaco, 31 anyos, kawani ng pamahalaang Lunsod ng Santiago, residente ng Victory Norte at kapwa anak ng mga incumbent brgy. kagawad.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tig-iisang Php 1,000.00 marked money at illegal na droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni P/Senior Inspector Jose Cabaddu, deputy chief of police ng Station 2 na nababahala sila dahil si Joefrey ay nagta-trabaho sa Pamahalaan Lunsod ng Santiago at anak ng isang brgy. kagawad na drug surenderer.

--Ads--

Binigyang diin pa ni Senior Inspector Cabaddu na ang pagkakadakip ng dalawa ay patunay na wala silang kinikilangan.

Samantala, patuloy ang monitoring ng pulisya sa iba pang personalidad na gumagamit ng illegal na droga.

Kasunod ng kaniyang paghikayat sa mga nagbebenta at gumagamit ng illegal na droga na sumuko na upang mabigyan pa ng pagkakataon na magbagong buhay.