--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang newly identified na sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang nadakip sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng pinagsanib na puwersa ng mga kasapi ng Station 1 ng Santiago City Police Station sa Santiago City.

Matagumpay na inaresto ang isang helper na nakilalang si Michael Fernandez, 21 anyos, binata at residente ng Burgos St. Purok 2, Brgy.Rosario, Santiago City.

Nakasamsam ang pinagsanib na puwersa ng Santiago Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni P/Insp.Charlie Viernes at Intelligence and Investigation Section sa kautusan na rin P/Chief Insp. Rolando Gatan, Station Commander ng Police Station 1 ng Santiago City Police Office ang isang heat-sealed transparent sachet na hinihinalaang naglalaman ng shabu at Php 500.00 marked money mula kay Fernandez.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.

--Ads--