--Ads--

CAUAYAN CITY – Stranded ngayon ang mga sasakyan palabas at papasok ng lambak ng cagayan bunsod ng landslide at aksidente sa Caranglan, Nueva Ecija na naganap kaninang hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Psupt Josep Dela Cruz, Public Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO nagpapatuloy ang isinasagawang clearing operation pangunahin na sa Brgy Puncan,Caranglan dahil sa pagguho ng lupa bunsod ng tulo-tuloy na pag ulan hgayundin ang pagsasaayos sa 10 wheeler truck na nasangkot sa self accident sa Brgy Capintalan ng naturang lalawigan.

Aniya, bagamat hindi na nila sakop ang naturang lugar ay nakikipagtulungan din ang NVPPO sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko.

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Psupt Dela Cruz ang motorista pangunahin na ang mga luluwas patungong kalakhang manila na ipagpaliban muna uapang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.

--Ads--