--Ads--

CAUAYAN CITY – Kaagad na namatay ang dalawang hinihinalang gun runner matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang namatay ay sina na sina Joel Sabiano, residente ng Domang ,Dupax Del Sur Nueva Vizcaya at Jun Batara , residente ng Malasin, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Inspector Ferdinand Laudencia, hepe ng Bagabag Police Station, inaalam pa ang kanilang impormasyon na ang dalawang lalaki ay kasapi ng “gun for hire” at kung may kinalaman sa ilan pang insidente ng krimen sa Nueva Vizcaya.

Nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division, Regional Special Operation Group ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office at Bagabag Police Station ngunit nakahalata ang mga suspek na pulis ang kanilang kausap kung kaya’t sila’y nakipagpalitan ng putok.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng dalawang suspek ang 2 Cal. 45 na may mga bala at , dalawang single na motorsiklo na walang plaka, apat na heat sealed sachet ng hinihinalang shabu, at Php 13,000.00 .

Napagalaman umano na sina Joel Sabiano at Jun Batara ay matagal ng sinusubaybayan ng mga alagad ng batas dahil sa pagbebenta ng mga baril.