--Ads--

CAUAYAN CITY – Pansamantalang nakahimlay ngayon sa 5th Infantry Division Camp Melchor, Upi ang labi ng sundalong kasapi ng 45th Infantry Batallion na nasawi sa sagupaan ng mga sundalo laban sa mga Abu Sayyaf sa Paticul, Sulu.

Ang sundalo ay si Staff Sgt. Dexter Manzano na residente ng Barangay Rang-ay, Cabatuan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Capt. Jefferson Somera, tagapagsalita ng 5th ID, nakasagupa ng mga sundalo na pinagunahan ni Lt. Colonel Salvador ang nasa dalawampung miyembro ng Abu Sayyaf Group kung saan limang terorista ang namatay at isa naman sa panig ng mga sundalo.

Anya sa nakuha nilang impormasyon ay tatlo ang tama ng bala ng baril ni Manzano at natamaan ang kanyang dibdib na agad niyang ikinamatay.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay idinala na sa Rang-ay, Cabatuan, Isabela ang labi ng sundalo at nakatkdang ilibing sa July 30, 2018.

Nagpaabot naman ng tulong ang 5th Infantry Division sa pamamagitan ng mga nakahandang benepisyo para sa naiwang pamilya ni Staff Sgt. Manzano kasama na ang scholarship para sa dalawa niyang anak.