--Ads--

CAUAYAN CITY – Labing tatlong katao na may mga kinakaharap na kaso ang inaresto ng mga alagad ng batas dito sa lalawigan ng Isabela.

Inaresto ng mga kasapi ng San Guillermo Police Station sa bisa ng warrant of arrest si Giovanni Arcillas, 26 anyos binata at residente ng Palawan, San Guillermo, Isabela dahil sa kanyang kasong robbery.

Dalawang lalaki naman na may kasong estafa ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Precious Lovely Olivia Sales Jao ng MCTC Mallig- Quezon.

Ang mga inaresto ng mga kasapi ng Mallig Police Station ay sina Josephino Danipog at Edna Danipog.

--Ads--

Kailangan nilang maglagak ng tig-Php 60,000.00 na piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Dinakip din ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang mga may kinakaharap na kasong physical injury na sina Jerome Anapi, Marvin Anapi, Sonny Boy Guio, James Paul Cagurangan at I 17 anyos.

Ang kanilang warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Ramon Corazon Blanco,ng 3rd MCTC at may piyansang tig- Php 12,000.00.

Nadakip din sa bisa ng warrant of na ipinalabas ni Judge Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 , Cabagan, Isabela ang dalawang lalaki na may kasong paglabag sa Presidential Decree 705 ( anti-illegal logging law).

Ang mga nadakip ay sina Lonquilo Balonggaya, 60 anyos at Carlito Taguinod, 36 anyos na kapwa residente ng Balakayu, San Pablo, Isabela.

Kaso namang paglabag sa Republic Act 9262 o ( Violence Against Women and their Children ) ang dahilan ng pagkakadakip ni Jerry Taguiam, 42 anyos, isang laborer at residente ng Zone 1 San Mariano, Isabela.

Samantala, dinakip sa Tabuk City, Kalinga ng mga kasapi ng Roxas Police Station Ismael Verdadero 21 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Marcos, Roxas, Isabela sa kasong panggagahasa at Child Abuse.

Walang piyansa para sa kanyang kasong panggagahasa habang Php 200,000.00 ang kanyang piyansa sa kanyang kasong paglabag sa Republic Act 9262

Ang kanyang warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Bernabe Mendoza ng RTC branch 23 Roxas, Isabela.