--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kaso ng mga kasapi ng Station 2 ng Santiago City Police Station ang isang kawani ng pamahalaang Lunsod ng Santiago at anak ng barangay kagawad na nasamsaman ng illegal na droga.

Nadakip sa drug buy bust operation ang suspek na si Joefrey Butchayo, empleyado ng LGU Santiago City kung saan nasamsaman ng isang sachet ng hinihinalang shabu at drug buy bust money na Php1,000.00.

Kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ) ang isinampa laban kay Butchayo.