--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ni Executive Director Jesus Cruz ng International Labor Affairs Bureau ng DOLE ang umanoy iniutos sa kanya ni Labor Secretary Silvestre Bello III na humihingi ng pera sa mga OFW at recruitment agencies.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Executive Director Cruz na nasa Isabela siya ngayon ay nasa Isabela upang himukin ang mga pangulo ng overseas filipino workers sa iba’t ibang bayan at lunsod sa Isabela na magsalita at sabihin ang katotohanan.

Anya hindi niya sakop ang mga recruitment agencies at wala din siyang kapangyarihan na magpataw ng kaparusahan sa kanila

Marami anyang nasasaktang recruitment agencies na nakakansela ang kanilang mga lisensiya at dahil alam niyang hindi nasusuhulan si Kalihim Bello ay gumagawa na sila ng paraan upang mapatalsik ang kalihim.

--Ads--

Gumagawa na anya ng hakbang ang mga recruitment agencies at ginagamit ang lahat ng mga tauhan ng kalihim upang wasakin at sirain ang pangalan ng Kalihim upang magawa na nila ang kanilang kagustuhan.