--Ads--

CAUAYAN CITY – Malabo pang maipasa ang isinusulong na Pederalismo sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni First District Congressman Rodolfo Rodito Albano III ng Isabela sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan.

Sinabi ni Albano na hindi bibigyan ng pansin ngayon ang Charter change ng pamahalaan dahil sa nalalapit na halalan.

Bagama’t pabor aniya sa na mapalitan ang systema ng Pamahalaan marami pa umano ang dapat ayusin at ikonsidera pangunahin na ang taumbayan dahil marami ang hindi pa nakakaunawa sa Federalism.

--Ads--

Binigyang diin pa niya na inabot ng isang taon bago maipasa ang Bangsamoro Organic Law at mas lalong matatagalan ang sinusulong na pagbabago sa buong saligang batas para magkaroon ng Federal Government dahil nangangailangan ito ng maraming panahon at mahabang talakayan.